BINIGYAN ng Hall of Fame Award sa Estados Unidos ang tinanghal na greatest player wing of the Billiard Congress of America (BCA) ang Pinoy Billiard Legend na si Jose ‘Amang’ Parica.
Ayon sa 65-taong-gulang na si Parica, malaking karangalan na mapabilang sa Hall of Fame ng BCA na kanyang ipinagpapasalamat dahil sa napansin ang kanyang angking galing.
Matatandaang sumikat si Parica noong dekada ’80 bago pa man makilala sina Efren ‘Bata’ Reyes at Francisco ‘Django’ Bustamante.
Pangatlong Pinoy na si Parica na nabigyan ng parangal ng BCA. Johnny F. Arasga