TINIYAK ni Pangulong Noynoy Aquino na bababa umano siya sa pagka-Pangulo ng bansa sa taong 2016.
Hindi umano sumagi ni minsan sa isip ng Pangulo na palawigin pa ang kanyang termino.
Ito ang malinaw na sagot ng Malakanyang matapos lumutang ang mga panawagang second term para sa Punong Ehekutibo.
Kasunod nito, pinasalamatan ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma ang mga nagsusulong ng term extention pero hindi uubra ito.
Binigyang-diin ni Coloma na batid ng Pangulong Aquino na isa lamang ang kanyang termino sa ilalim ng umiiral na Saligang Batas.
Gayunman, sinabi ng Kalihim na hindi pipigilan ng Palasyo ang mga nagsusulong ng mga panawagan ng ikalawang hirit sa puwesto ngunit dapat ding malaman na hindi ito pinapayagan ng batas. Johnny F. Arasga