ISANG overseas Filipino worker (OFW) na 15-araw pa lamang dumating at nagtrabaho sa Kuwait ang ibinalitang tumalon sa isang gusali roon.
Kinilala ang biktima na si Lovelyn Valencia Semillano, ng Hda. Jovillanos, Brgy. Kansilayan, Murcia, Negros Occidental.
Ayon sa pamilya ng biktima, tumakas si Lovely sa kanyang employer ilang araw pa lamang sa trabaho at nagtungo sa tanggapan ng agency na kanyang inaplayan at doon nanatili ngunit nahulog sa naturang building.
Sinasabing nagpakamatay ang OFW matapos nawala sa katinuan dahil sa kanyang sinapit.
Hiling naman ng pamilya ng biktima na imbestigahan ang nasabing insidente. Gina Roluna