Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

German national natagpuang patay sa hotel

$
0
0

HINIHINALANG dalawang araw nang patay ang German national sa loob ng kanyang tinuluyang Hotel sa Ermita, Manila, ayon sa ulat ng pulisya.

Nakilala sa passport ang biktimang si Andreus Benesch, 38 hanggang 42 anyos, at pansamantalang nanunuluyan sa ika-3 palapag ng Mabini Pansion House na matatagpuan sa Mabini St., malapit sa panulukan ng Padre Faura sa Ermita.

Batay sa ulat na isinumiti kay P/Insp. Steve Casimiro, hepe ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section, dakong 12:00 ng tanghali nang makaamoy ng masansang ang ilang naka check-in sa nasabing pension house, kaya agad na ipinaalam ito sa management.

Tumambad ang biktima na nakahubad hanggang tuhod ang kanyang short at animo’y may mga sugat sa hita na nilalanggas pa nito.

Sa report ng pulisya, February 14, nang mag-check in ang biktima, at nagbayad ito ng P4,080 sa loob ng tatlong araw, simula umano noon ay hindi na lumabas ng kuwarto sa Rm.302 ng nasabing Pension House.

Kahapon ng tanghali, nang umalingasaw ang masangsang na amoy at nadiskubreng patay na ang biktima.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan