UMALMA na ang mga negosyante sa Albay dahil sa patuloy na kawalan ng suplay ng kuryente at tubig makaraang bayuhin ito ng bagyong Glenda noong Miyerkules.
Ayon sa report, tinatayang aabot na sa P300-milyong ang nalulugi sa mga negosyante sa buong lalawigan dulot ng pananalasa ng bagyo.
Sa katunayan, dumoble na ang presyo ng tubig sa iilang mga refilling stations na nagbukas at gumagamit ng generator upang makapaglinis ng tubig.
Gayunman, pinangangambahan ng mga negosyante ang paglala ng sitwasyon kung hindi pa maibabalik ang suplay ng tubig at kuryente sa lugar. Johnny F. Arasga