PATAY ang may 11 kindergarten student matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang minivan sa Hunan province, China.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, overloading umano ang sanhi ng pagkahulog ng van.
Ang seven-seater van ay may kargang walong kindergarten pupil, dalawang guro at driver.
Sinabi naman ng kapamilya ng mga biktima, halos lahat ng school bus sa nasabing lugar ay bumibiyaheng overloaded kaya hindi malayong maulit ang insidente.
Maalalang noong 2011, patay din ang 18 na estudyante kasama ang dalawang matanda dahil sa overloaded school bus na bumangga sa coal truck.
The post 11 kindergarten, patay sa bangin sa China appeared first on Remate.