NILINAW ngayon ni Environment Sec. Ramon Paje na preliminary report lang ang isinumite sa kanya ng grupo ng veterinarians at biology experts na dinapuan ng late-stage pneumonia at cardiac arrest si “Lolong” habang nakakulong sa Bunawan, Agusan del Sur.
Si “Lolong,” ang dating kinikilalang ” worlds’ largest crocodile in captivity.”
Nabanggit na rin ni Protected Areas and Wildlife Bureau Director Theresa Mundita Lim na nakitaan din ng chronic infections ang ilan sa mga major organs ng hayop, katulad ng puso, baga at kidney nito na posibleng nagdulot ng karagdagang stress kay Lolong.