SYDNEY, AUSTRALIA – Inuga ng magnitude 6.6 na lindol ang Papua New Guinea partikular sa Solomon Sea kaninang madaling-araw.
Naitala ang sentro ng pagyanig sa 193 kilometro timog ng Taron sa Papua New Guinea at may lalim na 10 kilometro.
Ayon sa Pacific Tsunami Warning Center, walang banta ng malawakang tsunami bagama’t posible rumagasa ang local tsunami.
Ang Papua New Guinea ay nasa Pacific Ring of Fire kaya madalas ang paglindol dito.
The post Papua New Guinea inuga ng magnitude 6.6 na lindol appeared first on Remate.