HINAHANTING na ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) na may kagagawan sa pag-ambush sa isang mayor sa Barangay Buntungan, Impasug-ong, Bukidnon kaninang umaga.
Kinilala ang biktima na si Impasug-ong town Mayor Mario Okinlay.
Ayon kay 4th Infantry Division spokesperson Maj Christian Uy, nagmula sa isang medical mission ang grupo ng biktima nang tambangan ng tatlong rebelde.
Agad namang nakaresponde ang tropa ng militar na escort ng opisyal kaya napaatras ang mga rebelde.
Naisugod pa sa ospital ang mayor na noon ay may tama ng bala ng baril sa tiyan pero binawian din ng buhay.
The post UPDATE: Killers ng Bukidnon mayor hinahanting na appeared first on Remate.