MAKABIBILI na ang mamamayan ng murang asukal sa mga pamilihan ngayong araw, Hulyo 1, na bumaba ng halos piso.
Ito’y matapos na ipinag-utos ng sugar regulatory administrator ang pagpapatupad ng conversion o pag-reclassify sa 90,000 metric tons ng “D” sugar export quality para maging “B” sugar at mapunan ang domestic consumption.
Dahil sa conversion ng “B” sugar mula “D” sugar kaya bumaba ang presyo ng asukal sa P49 kada kilo ng retail price ng refined sugar sa mga pamilihan mula sa dating presyo nito na P50 kada kilo.
Sa ilalim ng conversion program, mapupunan ang pangangailangan sa suplay ng asukal sa lokal na pamilihan kaya bababa ang presyo nito sa bansa.
Binigyan namang linaw ng SRA na ang ibang mga “D” sugar export quality na hindi sinama sa pagsasailalim sa conversion program ay mananatiling “D” sugar na pang export ng Pilipinas sa ibang bansa at hindi ito kasama sa ibinabang presyo.
The post Presyo ng asukal bumaba ng P1 appeared first on Remate.