GAGAMITAN na ng kamay na bakal ng Malakanyang ang lahat ng mga fraternity sa bansa na patuloy na nagsasagawa ng hazing sa mga nagnanais na maging miyembro nito sa kabila ng may anti-hazing law.
Sa katunayan, binalaan ni Press Secretary Edwin Lacierda ang lahat ng opisyal at miyembro ng fraternity sa mga unibersidad na isipin ang kanilang kinabukasan at huwag sayangin ang kanilang buhay sa kulungan kapag napatunayan na gumagamit ng hazing sa mga nagnanais na maging miyembro o kasapi ng kanilang fraternity.
Reaksyon ito ng Malakanyang sa pagkamatay ng isang estudyante ng De La Salle – College of St. Benilde, habang tatlo pa ang sugatan matapos sumailalim sa hazing nitong Sabado, Hunyo 28.
“This is unacceptable to the government. We will pursue those who are instrumental. These would not continue we warned fraternities there is anti-hazing act. You are liable. Think of your future. You will wasting away your productivity in prison,” diing pahayag ni Sec. Lacierda.
Sa ulat, kinilala ang biktima na 18-anyos na estudyante ng BS Hotel, Restaurant, and Institutional Management sa nasabing kolehiyo.
Ang tatlong sugatang estudyante kabilang ang isang menor-de-edad na estudyante rin sa nasabing paaralan ay dinala naman sa Philippine General Hospital (PGH).
Napag-alaman na sumasali umano ang mga biktima sa Alpha Kappa Rho (AKRHO) fraternity.
The post Frat na gumagamit ng hazing, mananagot na appeared first on Remate.