NAGSASAGAWA na ng imbestigasyon ang Department of Health (DoH) hinggil sa umanoy ulat na pagtama ng typoid fever at tigdas sa Cebu.
Habang patuloy ang imbestigasyon ay pansamantala munang inihiwalay ang 43 preso na may tigdas sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center sa Barangay Kalunasan, Cebu City.
Habang nakapagtala naman ng mahigit na 70 kaso ng typoid fever ang DoH-central Visayas sa tatlong barangay sa Borbon, Cebu.
Kabilang sa mga barangay ay ang Lugo, Clavera at Cahel.
Isang tatlong buwang sanggol umano ang tinamaan ng naturang sakit habang ang iba ay tinatayang nasa edad na 10 hanggang 20.
The post Pagtama ng tigdas at typhoid sa Cebu iniimbestigahan appeared first on Remate.