HINILING ngayon ni dating Technology Resource Center Director-General Dennis Cunanan sa Sandiganbayan na payagan siyang makalabas ng bansa.
Iginiit ni Cunanan sa inihaing manifestation and motion for leave of court to travel abroad na kailangan niyang magtungo sa Japan bilang World Secretary General ng Junior Chambers International mula Hulyo 7 hanggang Hulyo 15.
Bukod pa rito, kailangan din niyang magtungo sa Amerika mula Hulyo 20 hanggang Agosto 3.
Iginiit ni Cunanan na hindi siya flight risk at handa siyang paikliin ang mga naturang biyahe depende sa magiging kautusan ng korte.
Si Cunanan ay kapwa-akusado ni Sen. Jinggoy Estrada sa kasong paglabag sa Republic Act No. 3019 o “Anti-Graft and Corrupt Practices Act” dahil sa pork barrel scam.
The post Cunanan, hiniling na makaalis ng bansa appeared first on Remate.