Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Pagtatayo ng high profile detention tinutulan

$
0
0

HAHARANGIN ng mga abogadong kongresista ang panukalang magtayo ng high profile detention centers sa bansa.

Ipinaliwanag ni Dasmarinas Rep. Elpidio Barzaga, isang abogado, na discriminatory ang panukalang ito ng AKO Bicol Partylist Reps. na sina Rodel Batocabe at Christopher Kho dahil labag aniya ito sa equal protection clause ng saligang batas.

Binigyang-diin ng mambabatas na nagbibigay ito ng maling mensahe dahil para na ring sinasabi ng panukala sa mga opisyal ng gobyerno na walang masama na gumawa ng mabigat na krimen dahil makukulong naman ang mga ito sa espesyal na kulungan.

Paliwanag naman dito ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Farinas, vice chairman ng House Committee on Justice at isa ring abogado na hindi pwedeng maging pangkalahatang policy ng gobyerno na ikulong sa high profile detention center ang mga kilala at makapangyarihang indibidwal na nakagawa ng non-bailable offense.

Paliwanag ni Farinas, mahirap maglatag ng panuntunan para dito kaya bukas ito sa pag-abuso.

Maaari aniyang maging “case to case basis” ang pagditine sa mga high profile na indibidwal sa espesyal na kulungan kagaya ng sa kaso nina dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa sakit nito at bilang respeto na rin sa dating posisyon nito.

Isa pa aniya na maaarin g bigyan ng konsiderasyon kapag naikulong na ay si senador Juan Ponce-Enrile dahil sa edad nito.

Bukod kay GMA, ay nakabilanggo rin sa Fort Sto. Domingo ang itinuturong utak ng P10 bilyong pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.

Naunang sinabi ni Batocabe na ang high profile detention centers na kaniyang isinusulong ay hindi pagbibigay ng importansya sa mga akusado kundi pagtitiyak lamang na magiging ligtas ito sa panahong dinidinig ang kaso.

The post Pagtatayo ng high profile detention tinutulan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>