MAY bago nang uniporme ang Philippine National Police (PNP) na may “security features” na mahirap magaya ng mga kriminal.
Sinabi ni Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, PNP spokesperson, na hinihintay na lamang ng PNP ang pag-aapruba ni Napolcom at Interior and Local Government Secretary Mar Roxas upang maisuot na ng mga opisyal at miyembro ng PNP ang kanilang mga bagong uniform.
Sa kabila ng pamimintas na mukhang MMDA at parang sa konduktor ng bus ang bago nilang uniporme, sinabi ng opisyal na ipinagmamalaki ng kapulisan ang bago nitong uniporme na kulay mapusyaw na asul ang pang-itaas at asul rin sa pang ibaba.
Sinabi ni Sindac na dumaan sa masusing pagsusuri, proseso at inirampa pa ito ng mga pulis ng ilang beses saka pinili ang nararapat na bagong uniporme sa kanilang hanay.
Bukod dito, magkakaroon din ng bagong patrol uniform ang PNP na sumasailalim pa sa konting pagsasaayos.
Ang pondo para sa bagong sets ng uniporme ay hinugot sa clothing allowance ng PNP personnel kada tatlong taon.
The post Bagong PNP uniform, irarampa na appeared first on Remate.