INARESTO ng National Bureau of Investigation (NBI) Anti–Organized and Transnational Crimes Division ang isang pulis na sangkot sa pagdukot ng ilang dayuhan kapalit ng ransom.
Kinilala ng NBI-AOTCD ang pulis na si PO2 Frederic Tolentino, nakatalaga sa regional Police Holding Administrative Unit (RPHAU).
Ayon sa NBI, isinailalim sa surveillance si Tolentino nang halos tatlong linggo dahil sa pagdukot sa isang negosyanteng Koreano na hinihingan niya ng ransom na P10 milyon.
Gayunman, ang nasabing halaga ay bumaba ng P4 milyon na nabayaran ilang araw matapos ang pagdukot sa Koreano.
Si Tolentino ay napag-alamang sangkot din sa hostage taking sa kanyang live-in partner noong 2011.
Narekober kay Tolentino ang isang 9mm na baril, mga bala at isang cellphone.
Nabatid na dalawa pang kasamahang pulis ni Tolentino ang pinaghahanap ng NBI maging ang dalawang Japanese at 5 Pinoy na kasabwat niya sa sindikato.
The post Kidnaper na parak arestado ng NBI appeared first on Remate.