TILA nang-iinis at nakapasok na naman sa pinag-aagawan nilang teritoryo ng Japan sa East China Sea, ang mga barko ng China.
Ayon sa Japanese coast guard, dalawang barko ng Beijing ang pumasok sa 12-nautical mile band ng territorial waters sa paligid ng Senkaku Islands na kapwa inaangkin ng dalawang Asian power.
Ang dalawang barko ay namataan sa 27 kilometers west ng Uotsurijima, at pumasok sa teritoryo ng Japan, ayon sa isang opisyal ng Japan coast guard.
Ito na ang ika-13 beses na pumasok sa pinag-aagawang teritoryo ang mga Chinese vessels.
Ang hakbang ng China ay sa kabila ng babala ng G7 nations laban sa paggamit ng anomang pwersa sa territorial dispute sa East at South China Sea na sangkot ang Beijing.
The post Barko ng Tsina, muling pinasok sa puder ng Japan appeared first on Remate.