BIGO ang pork barrel fund scam queen na si Janet Lim-Napoles sa kahilingan sa Court of Appeals (CA) na makapaglagak ng piyansa sa kinakaharap na serious illegal detention.
Ito’y matapos hindi aksyonan ng CA ang petisyon ni Napoles na magpalabas ang korte ng temporary restraining order (TRO).
Sa halip, inatasan ng CA ang Makati RTC na sagutin ang petisyon ni Napoles.
Magugunita na naghain ng petition for certiorari si Napoles upang kwestyunin ang kautusan ni Makati Judge Elmo Alameda ng binasura ang hirit nito na makapagpiyansa sa kasong isinampa ni Benhur Luy.
Binigyan lamang ng CA ang Makati RTC ng sampung araw upang magkomento sa petisyon ni Napoles.
Binigyan naman ang kampo ni Napoles ng limang araw upang sagutin ang magiging komento ng respondent.
The post Hiling na piyansa ni Napoles tinabla ng CA appeared first on Remate.