PATAY ang 4-anyos na babae matapos makitang nasa ilalim ng swimming pool sa isang hotel sa San Juan, Batangas.
Dead-on-arrival sa San Juan District Hospital ang biktimang si Danica Calastre, 4, at residente ng 438 Korea, Bawi St., Tramo II, San Dionisio, Parañaque City.
Sa report, alas-11:00 ng umaga nang makita sa ilalim ng tubig na may 5 feet ang lalim ng lifeguard ng Villa Estrella Hotel and Resort sa Bgy. Laiya Ibabao ang biktima.
Agad na iniahon ng lifeguard ang biktima at tinangkang i-revive pero hindi na kumikibo ang bata kaya agad na dinala sa ospital pero hindi na rin naisalba pa.
Nabatid na nag-outing ang pamilya ng biktima sa resort at hindi namalayang nakalapit sa pool ang bata kaya nahulog at nalunod.
The post Paslit nalunod sa pool, todas appeared first on Remate.