MALAKI ang tiwala ng Malakanyang na malakas ang kasong isinampa nila laban kay dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.
Ayon sa pahayag ng Malakanyang, ibinasura ng Ombudsman ang kaso ni Arroyo na may kaugnayan sa P728 million fertilizer fund scam.
Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, ang kasong iniharap ng administrasyon laban kay Arroyo ay ibinatay sa mga kongretong ebidensya at masusing pag-aaral.
Ayon kay Coloma, sa bawat pagkakataon ay sinisikap ng administrasyong maging ganap ang pag-aaral, komprehensibo ang mga pagsusuri sa mga datos at may kaugnayang impormasyon upang matiyak na ang mga kasong isasampa ay matatamo ang layuning makamit ang hustisya sa bayan.
Iginiit ni Coloma na ang mga nabasurang kaso ay isinampa ni dating Solicitor General Frank Chavez.
The post Malakanyang tiwalang malakas ang kaso vs. GMA appeared first on Remate.