HINDI tataas ang presyo ng tinapay sa bansa tulad ng pandesal at Pinoy Tasty.
Ito ang kinumpirma ng Philippine Association of Flour Millers, Inc. (PAFMIL) kontra naman sa naunang pahayag ng Filipino-Chinese Bakers Association na nagbabala ng posibleng pagtaas ng presyo ng tinapay kasunod ng pagpapatupad ng Department of Agriculture (DA) ng “anti-dumping duty” sa imported na harina mula Turkey.
“The public should not be unduly worried that bread prices will increase after the DA move. The higher bread price scenario is pure speculation and bereft of any basis,” ayon kay PAFMIL Executive Director Ric Pinca.
Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, hihikayatin ng gobyerno ang mga magtitinapay sa bansa na tangkilikin ang lokal na harina.
Para rin sa kapakanan ng mga lokal na magtitinapay ang dagdag na buwis na ipinataw ng DA sa Turkish flour.
Base naman sa pag-aaral ng DTI, maliit na bahagi lang ng mga panadero sa bansa ang gumagamit ng Turkish flour sa paggawa ng Pinoy Pandesal at Pinoy Tasty.
Sa babala ng Filipino-Chinese bakers, posibleng tumaas ang presyo ng Pinoy Tasty mula P37.00 hanggang P40.00 habang ang Pinoy Pandesal naman na ngayo’y nagkakahalaga ng P24.00 ay maaaring tumaas sa P30.00.
The post Presyo ng tinapay hindi tataas appeared first on Remate.