UMAABOT na sa 14 ang namatay sa Central Mindanao dahil sa dengue sa unang quarter ng taong 2014.
Ayon sa health department ng rehiyon kanina, mula Enero hanggang Marso 31, naiulat ng DoH-12’s Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) ang may 1,291 kaso ng dengue.
Ito ay 51 porsiyento kumpara sa rami ng kaso na naitala sa parehong buwan noong 2013, kung saan naitala ang may 2,612 kaso sa probinsiya ng North Cotabato, South Cotabato, Sultan Kudarat at mga lungsod ng Cotabato, Kidapawan, Tacurong, Koronadal at General Santos City.
Ayon sa RESU, pinakabatang naging biktima ng dengue ay ang dalawang buwang sanggol at ang pinakamatanda ay may edad na 91.
Sa 1,291 mayroon nito, 53 porsyento ay pawang kalalakihan.
Naitala sa General Santos City ang pinakamataas na bilang ng may dengue na umabot ng 446 at pito rito ang namatay na sinundan naman ng South Cotabato na may 363 lasp at tatlong binawian ng buhay.
Habang pumapangatlo ang North Cotabato na may 175 kaso at may isang namatay habang sa Sarangani ay may dalawang nasawi.
Samantala, sa Sultan Kudarat, naitala ang 81 kaso ng dengue na may isa namang namatay.
Tinukoy naman ng health department ang hotspots o may matataas na bilang ng kaso ng dengue ang mga barangay Labangal, Fatima, San Isidro, General Santos. Kabilang din ang Barangay Poblacion sa Kiamba, Sarangani, Barangay Poblacion, Polomolok, South Cotabato.
The post 14 todas sa dengue sa Central Mindanao appeared first on Remate.