PINAGBIBITIW ng ilang kongresista ang mga halal na opisyal na nahaharap sa kasong katiwalian sa bansa.
Iginiit ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na “out of delicadeza” ay makabubuting mag-resign ang lahat ng government officials na sangkot sa katiwalian at tularan aniya ang ginawang pagbibitiw ni South Korean Prime Minister Chung Hong-won na umako ng responsibilidad sa aniya’y mabagal na aksyon ng gobyerno sa paglubog ng isang ferry sa kanyang bansa na ikinasawi at ikinawala ng nasa 300 katao.
Ani Atienza, sensitibo ang posisyon ng public office, intentional o unintentional man ang ginawa ngunit kailangan na mabawi ang shortcomings ng bansa sa pamamagitan ng pagbibitiw sa puwesto.
Nilinaw naman ni Atienza na wala siyang partikular na pinatutungkulan na magbitiw sa puwesto ngunit ito sana ay magsilbing general rule para sa lahat ng public officials upang maisalba ang tiwala ng taumbayan sa gobyerno.
“Public office is a very sensitive position. Unintentional or intentional, you have to pay for the shortcomings by resigning because delicadeza comes next. The tough act of South Korean Prime Minister must be followed. It’s unfortunate that delicadeza which is a Filipino values is seemingly not being practiced in the country,” ayon kay Atienza.
Noong isang linggo ay ipinahayag ni Justice Secretary Leila de Lima ang diumano’y affidavit ng itinuturong utak ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles na naglalaman aniya ng mga listahan ng mga government officials na kasangkot sa katiwalian kabilang ang mga senador at kongresista.
The post Kasangkot sa katiwalian, mag-resign na — Rep. Atienza appeared first on Remate.