HINDI na umabot nang buhay sa Bangui District Hospital ang isang anim na taong gulang na bata makaraang pagtatagain at martilyuhin ng kanyang sariling ama.
Kinilala ang biktima na si Lemuel Pacheco, kindergarten pupil, habang ang suspek ay si Junie Pacheco, kapwa ng Barangay San Lorenzo sa Bangui, Ilocos Norte.
Nabatid na bukod kay Lemuel, minartilyo rin ng suspek ang kanyang misis na si Mary Anne Pacheco, kasalukuyang nasa malubhang kalagayan sa Gov. Roque Ablan Sr. Memorial Hospital.
Base sa salaysay ng ina ng suspek na si Gng. Jovita Castro, nakita niya ang pagtaga ng kanyang anak sa kanyang leeg at pagmartilyo rin sa sariling ulo matapos ang insidente.
Sinabi pa ni Castro na nakita na lamang niya na duguan ang ulo ng kanyang manugang na si Mary Anne.
Pero wala raw siyang alam na dahilang upang gawin ng kanyang anak ang malagim na krimen.
Sa kasalukuyan ay binabantayan ng awtoridad ang suspek na ginagamot sa isang ospital upang mapigilan pang gumawa ng krimen.
The post Paslit, tinaga at minartilyo ng sariling ama appeared first on Remate.