DUMATING na ngayong araw sa bansa si WBO welterweight champion Manny Pacquiao matapos ang laban kay dating world champion Timothy Bradley, Jr. sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada nitong Linggo.
Matatandaang naging matagumpay ang laban ni Pacquiao nang talunin si Bradley via unanimous decision.
Ganap na alas-8:00 ng umaga kanina nang lumapag ang sinasakyang eroplano ni Pacquiao sa GenSan Airport.
The post Pacquiao balik bansa na appeared first on Remate.