KULONG ang isang misis makaraang patayin ang kanyang mister sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo habang kapwa lango sa alak sa Siayan, Zamboanga del Norte kagabi, Abril 14.
Sa ulat ng Police Regional Office (PRO-9), bago ang krimen, nag-iinuman ang suspek na si Jingky Otto Mendoza, 37, at ang mister na si Jimmy, 34, sa kanilang bahay sa Sitio Suminalum, Barangay Poblacion.
Nang malasing, nagkaroon ng matinding pagtatalo ang mag-asawa alas-7:30 kagabi sa hindi pa malamang dahilan hanggang kumuha ng itak ang suspek at pinagtataga ang asawa.
Matapos ang krimen, tumakas ang suspek at nagtungo sa bahay ng kanyang kapatid ngunit nahuli rin makalipas ang ilang oras sa isinagawang manhunt operation ng mga kasapi ng Siayan municipal police station.
Nagtamo ng mga grabeng sugat ang biktima sa leeg, mukha at sa iba pang parte ng katawan na naging sanhi ng kanyang agad na pagkamatay.
The post Matapos maglasingan: Mister inutas ni misis appeared first on Remate.