UMAKYAT na sa 20 ang patay sa sagupaan ng militar at Abu Sayyaf Group (ASG) sa Tipo-Tipo, Basilan.
Ayon sa tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Major Gen. Domingo Tutaan, 18 miyembro ng ASG at dalawang sundalo ang binawian ng buhay, habang umaabot naman sa 14 ASG ang sugatan habang 31 naman sa militar.
Nagsimula ang bakbakan matapos maglunsad ng strike operations ang 4th Infantry Brigade at Joint Special Operations Unit 1 sa Silangkum.
The post UPDATE: Patay sa bakbakan ng ASG, militar, 20 na appeared first on Remate.