TINATAYANG 10 ang patay kabilang ang apat na bata habang 120 ang naitalang nasugatan makaraang magkaroon ng stampede sa sa overcrowded prayer vigil sa Luanda, Angola.
Nabatid na naipit ang mga biktima sa mga gate ng Cidadela Desportiva stadium na ginaganapan ng vigil ng Universal Church of the Kingdom of God (IURD).
Nabatid sa state news agency na Angop na pinilit ng mga biktima na makapasok pa sa overcrowded na stadium.
Sinasabing ang IURD ay isang Pentecostal Christian church na itinatag noong 1977 sa Brazil kung saan mayroon itong higit 8 milyong followers.
Samantala, ayon sa pahayag ni Ferner Batalha, deputy bishop for Angola ng IURD, hindi nila inaasahan na dadagsa ang kanilang mga kaanib sa naturang vigil.
“Our expectation was to have 70,000 people, but that was surpassed by far,” ani Batalha.