Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Pamamaslang sa Remate reporter kinondena ng IFJ

$
0
0

KINONDENA ng International Federation of Journalists (IFJ) ang karumal-dumal na pagpatay kay radio anchor at tabloid reporter  Rubylita Garcia, ang unang Pinoy journalist na napatay ngayong 2014.

Si Garcia, reporter ng Remate at block timer sa Cavite based dwAD radio station, ay namatay habang ginagamot sa St. Dominic Hospital sa Cavite dahil sa limang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ang suspek ay pumasok sa kanilang bahay sa Talaba Village, Bacoor bandang 10:15 am noong Linggo.

Dahil sa dumaraming pagpatay sa Filipino journalists,  nanatiling pinakadelikadong bansa ang Pilipinas sa buong mundo para sa mamamahayag.

Nanawagan ang IFJ sa gobyerno ng Pilipinas na agad resolbahin ang pagpatay kay Garcia at iba pang journalists.

Ang Belgium-based IFJ ay global union federation ng journalists’ trade unions— ang pinakamalaki sa mundo.  Target ng organisasyon na protektahan at palakasin ang karapatan ng mamamahayag.

Dalawang media organization sa Pilipinas  – National Union of Journalists of the Philippines at National Press Club ang nakiisa sa panawagan ng IFJ upang hingin ang hustisya para kay Rubylita Garcia at lahat ng Filipino journalists

The post Pamamaslang sa Remate reporter kinondena ng IFJ appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>