NANGUNA ang Philippine National Police (PNP) – Navotas sa may pinakamaraming nahuling drug suspects sa taong 2013 sa buong Northern Manila o CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) kung saan may kabuuang bilang na 163 suspects ang nahuli sa ilalim ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) Article 2.
Ito ang ipinagmalaking pinarating ni PSupt. Conrado Gongon sa pulong ng Navotas Anti-Drug Abuse Council (NADAC) members noong Marso 27 matapos matanggap ang pagkilala mula kay Chief Supt. Edgar Layese Layon, Director ng PNP-Northern Police District.
Binigyan-din ng pagkilala ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang nasabing opisyal at mga miyembro ng PNP Navotas Station Anti-Illegal Drugs – Special Operation Task Group (SAID-SOTG) ngayong araw, Abril 7, para sa kanilang dedikasyon sa trabaho.
Ibinalik naman ng opisyal ang pasasalamat sa alkalde sa kanyang magandang liderato at koopersayon upang mahuli ang mga suspek sa pamamagitan ng kanilang Text JRT Program kung saan maaaring magbigay ng impormasyon ang mga residente o sibilyan ukol sa mga hinihinalang tulak sa kanilang lugar.
Inilunsad ang programang ito noong 2011 upang magbigay ng abiso at makakuha ng mungkahi o feedback mula sa mga mamamayan ukol sa mga programa, proyekto at aktibidad ng lokal na pamahalaan at isa sa mga magagandang epekto nito ay ang pagkuha ng impormasyon ukol sa mga most wanted sa lungsod.
Dahil dito hinikayat pa ni Mayor Tiangco ang mga bagong halal na opisyal ng mga barangay sa lungsod na makiisa sa programa sa pamamagitan ng pagsusumite ng updated list ng most wanted sa kanilang lugar at pakikiisa sa mga surveillance ng mga ito.
The post PNP Navotas, the best sa drug abuse prevention appeared first on Remate.