MAGSASALPUKAN na ngayong hapon sa Mall of Asia Arena ang Gilas Pilipinas at PBA All-Stars sa gaganaping 2014 PBA All-Star game.
Nagbitaw ng salita si coach Tim Cone na siyang magtitimon para sa PBA selection na bibigyan nila ng magandang laban ang tropa ni coach Chot Reyes na Gilas Pilipinas.
Bukod sa pagpapasaya sa mga PBA fans, ang nasabing event ay bilang paghahanda ng Nationals sa pagsabak sa World Cup sa Spain at sa Asian Games sa Korea.
Isa pang inaabangan ng mga basketball fans ang paghaharap ng dalawang higanteng sina 6-foot 11 June Mar Fajardo at top vote ng mga fans sa PBA selection na si 7-footer Greg Slaughter.
Ilan beses na rin nauudlot ang kanilang paghaharap subalit panigurado na silang magbabanggaan mamayang alas-singko.
Ang starting five para sa PBA All-Stars mula sa mga boto ng mga fans ay sina Greg Slaughter, James Yap, Mark Barroca, Chris Ellis at Mac Baracael, mula sa bench naman sina Arwind Santos, Calvin Abueva, Marcio Lassiter, Sonny Thoss, Joe Devance, Niño Canaleta at PJ Simon.
Ang mga higante ng Nationals ay sina Japeth Aguilar, Beau Belga at Marcus Douthit Ang ibang miyembro naman sa Gilas ay sina LA Tenorio, Paul Lee, Jayson Castro, Larry Fonacier, Gary David, Marc Pingris, Jimmy Alapag, Ranidel de Ocampo, Jared Dillinger, Jeff Chan at Gabe Norwood.
The post PBA All-Stars vs Gilas Pilipinas appeared first on Remate.