ITINAYA na ni Pangulong Benigno Aquino III ang tatlong taong termino para sa mga kandidato ng Liberal Party na sasabak sa nalalapit na eleksyon.
Sinabi ni Marikina Rep. Romero Federico Quimbo, campaign spokesman ng Team PNoy na isusugal ni Pangulong Aquino ang kanyang nalalabing tatlong taong termino para matiyak na matutulungan niya sa pangangampanya ang mga kandidato ng LP.
Tinuran nito na kung nagpatutsada man aniya si Pangulong Aquino kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at sa mga kandidatong kalaban ng Liberal Party (LP) ay malinaw lamang na ayaw ng Pangulong Aquino na may sumasawsaw sa positive feedback na nakukuha nito sa tao.
Sinabi naman ni House Deputy Speaker Lorenzo Tañada, isa pang campaign spokesman ng LP na desidido si Pangulong Aquino na ang kanyang mga kandidato sa LP ang makikinabang sa kanyang popularidad.