Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

2 binata tiklo sa ninakaw na chocolate para sa nililigawan

$
0
0

SA kagustuhang magpasikat ng dalawang binata sa kanilang nililigawan ay nang-umit ang mga ito ng chocolate sa supermarket subalit minalas na madakip at makulong sa Caloocan City, Sabado ng hapon, Abril 5.

Nahaharap sa kasong theft sina Joshua Manabat at Ronald Donaire, kapwa 18, ng Makanas St., Panghulo, Malabon City.

Sa ulat, alas-4:30 ng hapon, nagsipasok ang mga suspek sa Puregold Supermarket sa Samson Road at nag-ikot.

Pinagmasdan ng guwardiyang si Esperanza Nuñes ang mga suspek at napansin na may dinampot subalit diretso sa exit at hindi na dumaan ng counter na naging dahilan upang habulin ng sekyu.

Inabutan at nang kapkapan ay nakuha sa mga suspek ang tig-isang Ferrero Rocher na chocolate na nagkakahalaga ng P57 ang isa na naging dahilan upang dalhin sa presinto.

Nasabi ng mga suspek na gusto lang nilang maregaluhan ang mga bebot na kanilang nililigawan at dahil walang pera ay nang-umit na lang subalit minalas na mabuko at makulong pa.

The post 2 binata tiklo sa ninakaw na chocolate para sa nililigawan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>