Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

CAB hindi mahahadlangan ni Miriam

$
0
0

TILA ipinamukha ng Malakanyang kay Senador Miriam Defensor-Santiago na hindi siya ang magsisilbing balakid para mabitin ang pagsusulong Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) at pagpapasa ng kontrobersyal na Bangsamoro Basic Law  sa Kongreso.

Tugon ito ni Presidential spokesman Edwin Lacierda sa naging pahayag ni Senador Santiago na “unconstitutional” ang nilagdaang CAB ng GPH at Moro Islamic Liberation Front (MILF) negotiating panel noong nakaraang linggo.

“I think everybody who has concerns will be able… The legislative discussion will be the ground for discussing all these issues. And we have said, time and again, that the panel as well as the legislators who are in support, will discuss these issues at hand,” anito bilang pagsupalpal sa binitiwang salita ng senadora.

Sa kabilang dako, tanggap ng Malakanyang ang patutsada ni Senador Santiago na “unconstitutional “ ang CAB subalit binigyang diin ng opisyal na magkakaiba naman ang opinyon ng constitutional lawyers pagdating dito.

Ang naging kautusan aniya ng Pangulong Benigno Aquino III sa pakikipag-negosasayon sa CAB ay tiyakin na aabot ito sa parameters ng Saligang Batas kung saan aniya ay naniniwala sila na  tatayo ang constitutional scru(tiny)—judicial scrutiny ng CAB.

Umaasa naman ang opisyal na maisasa-pinal ang draft sa lalong madaling panahon at maisusumite agad ito sa Tanggapan ng Pangulo bago pa isumite sa Kongreso.

The post CAB hindi mahahadlangan ni Miriam appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>