LIMA ang naitalang patay sa naganap na magnitude 8.2 na lindol sa Chile kanina.
Kumpirmadong apat na lalaki at isang babae ang namatay, dalawa sa kanila ang inatake sa puso, habang tatlo ang natabunan.
Naitala ang lindol sa layong 95 kilometro hilagang-kanluran mula sa pampang ng Iquique, Chile sa lalim na 20.1 kilometro lamang.
Tumama ang unang tsunami sa Pisagua, Chile makalipas ang 45 minuto matapos ang lindol. Umabot ito sa taas na 6.3 talampakan.
Ayon sa ONEMI emergency office ng Chile, may mga natanggap itong impormasyon na nagdulot ng landslide sa hilaga ng bansa ang naturang lindol.
Idineklara na rin ni Chilean President Michelle Bachelet na “emergency zone” ang mga lugar na niyanig ng lindol.
The post UPDATE: 5 patay sa magnitude 8.2 na lindol sa Chile appeared first on Remate.