TIWALA si Justice Secretary Leila de Lima na babalik sa bansa ang isa sa mga akusado at nagbabalak tumestigo sa pork barrel scam na si Ruby Tuason.
Ayon kay De Lima, wala siyang duda na babalik si Tuason sa Pilipinas sa itinakdang petsa nang kanyang pagbabalik sa Biyernes, April 5
Sinabi ng kalihim na isang rason kung bakit naniniwala siya na babalik ng bansa si Tuason ay dahil nasa ilalilm ito ng Witness Protection Program ng pamahalaan at ito rin ay nag-aaplay bilang state witness sa nasabing anomalya.
Paliwanag nito, kapag sakop ang isang indibidwal ng WPP ay mayroon itong mga kondisyon at isa na rito ay ang pagbabalik niya sa Pilipinas.
Giit pa ni De Lima na regular naman ang kanilang komunikasyon kay Tuason at alam nila kung nasaan ito.
Matatandaang kinumpirma ng Bureau of Immigration na umalis ng bansa si Tuason noong Marso 2 sakay ng Cathay Pacific patungong Hong Kong.
The post Ruby Tuason babalik ng Pinas – De Lima appeared first on Remate.