MASAYANG binati ng Malakanyang si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ng maligayang kaarawan.
Si Gng. Arroyo ay magdiriwang ng kanyang ika-67 taong kaarawan sa Sabado, Abril 5, 2014.
“Binabati po natin siya sa kanyang kaarawan at sana’y maging maligaya iyong kanyang pagdiriwang kasama ng kanyang mga mahal sa buhay,” ayon kay Press Secretary Herminio “Sonny” Coloma Jr.
Kaugnay nito, pinayagan ng Sandiganbayan ang hirit ni Mrs. Arroyo na makasama ang kanyang pamilya sa kanyang kaarawan.
Nauna nang hiniling ng dating lider sa anti-graft court na makasama ang kanyang pamilya sa loob ng tatlong araw at dalawang gabi sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).
Ang dating Pangulong Arroyo ay kasalukuyang naka-hospital arrest dahil sa kasong plunder.
The post GMA binati ng Malakanyang sa nalalapit na kaarawan appeared first on Remate.