HINARANG man at pinagbantaan ng Chinese coast guards ay hindi nagpatinag ang barko ng Pilipinas sa pagtungo sa Ayungin Shoal para magdala ng pagkain sa mga crew nang sumadsad na barko ng Philippine Navy.
Sa ulat, hinaras ng mga barko ng Chinese coast guard ang BRP Sierra Madre kaninang alas-3 ng hapon habang dala-dala ang supplies at itinaboy palayo sa Ayungin Shoal.
Ang nasabing mga Chinese vessel ay may hull number na 3401 at 1127.
Nagdala ng supplies ang barko ng Pilipinas sa nasabing lugar matapos sumadsad ang isang barko ng PN sa Ayungin Shoal.
Ayon sa China, illegal operation ang ginagawa ng Philippine cargo vessel sa Ayungin na saklaw pa ng exclusive economic zone ng bansa pero inaangkin ng Beijing.
Dahil dito, kanilang hinarang ang cargo vessel pero itinuloy pa rin ng BRP Sierra Madre ang kanilang biyahe.
The post Barko ng Pinas, hinarang sa Ayungin Shoal appeared first on Remate.