SA hotel na tinutuluyan inabutan ng kamatayan ang 76-anyos na Netherlands national sa Ermita, Maynila.
Kinilala ang biktima na si Antonius Johannes Maria Boxebeld, nanunuluyan sa room 912 ng Mabini Mansion sa 1011 Mabini St., Ermita, Maynila.
Ayon kina Yolanda Belen, hotel manager at Rommuel Napoles, roomboy, humingi ng tulong sa kanila ang biktima nang sumama ang pakiramdam alas-8 ng umaga kaya isinugod nila sa Manila Doctors Hospital.
Gayunman, nagpilit na umuwi ang biktima dahil ayaw nitong manatili sa ospital kaya pinapirma na lamang ito ng waiver at bumalik sa tinutuluyang kuwarto sa hotel.
Nabatid na ilang minuto pa lamang na nakakahiga ang biktima sa kama nang mapansin ng hotel staff na hindi na ito kumikilos at gumagalaw.
Dahil dito, agad na itinawag sa pulisya ang insidente.
The post Netherlands national namatay sa hotel sa Ermita appeared first on Remate.