Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Maguindanao police chief, todas sa ambush

$
0
0

NABASAG na agad ng karahasan ang makabuluhang paglagda sa Comprehensive Agreement ng Bangsamoro sa Maguindanao province nang tambangan at mapatay ng mga hindi nakikilalang armadong lalaki ang hepe ng pulisya ng Mother Kabuntalan nitong Biyernes ng hapon, Marso 28.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala ng kalibre .45 at M16 rifles sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Police Inspector Tiongan Namla.

Blangko pa ang pulisya kung sino ang nasa likod nang pagpatay sa biktima dahil bukod sa walang nakakita sa insidente ay wala ring plaka ang berdeng pickup na ginamit ng mga salarin.

Naganap ang insidente alas-4:35 nitong Biyernes ng hapon sa Barangay Dulangan, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ayon kay Police Senior Superintendent Rodelio Jocson, Maguindanao police director, patungong Cotabato City ang biktima at lulan sa kanyang motorsiklo nang paulanan ng bala ng mga suspek.

Hinala ng mga police investigators na binuntutan ang biktima dahil tumakas ang mga suspek patungong Cotabato City.

Nito lamang nakaraang buwan, itinumba rin ang  isang police investigator ng Mother Kabuntalan police station habang pauwi sa kanilang bahay.

The post Maguindanao police chief, todas sa ambush appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>