ARESTADO ng awtoridad ang isang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) sa Albay kaninang umaga, Marso 25.
Hindi na nakapalag at kusang sumuko ang suspek na si Cenon Oxales, 53, ng Sitio Revolution, Barangay Inamnam Grande, Guinobatan, Albay.
Sa ulat, naaresto si Oxales sa bahagi ng Barangay San Rafael sa nasabing bayan sa kasong robbery in band na walang inirekomendang piyansa.
Maliban dito, sangkot din ang nahuling rebelde sa harassment na nangyari sa Pioduran MPS noong Setyembre 18, 1992.
Si Oxales ay sinasabing medical officer ng Albay Provincial Party Committee ng mga NPA.
Tumanggi naman ang awtoridad na tukuyin ang pinagkukulungan ni Oxales para na rin sa seguridad nito.
Nakaalerto naman ang awtoridad sa posibleng pagganti ng mga NPA.
The post Top official pa ng NPA tiklo sa Albay appeared first on Remate.