SINIPA na ng pamunuan ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang dalawang Reserved Officer’s Training Course (ROTC) cadet officer matapos magreklamo ang isang first year student na kanilang pinarusahan dahil sa ‘di pagsipot sa briefing night ng mga aplikante para sa Cadet Officers Candidate Course (COCC) ng unibersidad .
Sina Daniel Tuico at Leizl Ariston ay dinismis ng pamunuan ng unibersidad matapos katigan ni Dr.Juan Birion, Student Services Vice-President ang rekomendasyon ng Student Disciplinary Board (SDB) nang mapatunayang guilty sa reklamo na inihain ng 18-anyos na studyante ng Institute of Technology.
Sa Notice of Decision, ang medico legal certificate at litrato ng mga tinamong pasa ang naging matibay na ebidensya laban sa dalawang kadete.
Ang desisyon ng pamunuan ng PUP ay inilabas kahapon, Lunes, gayunman, binigyan naman ang dalawang kadete ng 10 araw para umapela kay PUP President Dr. Emanuel De Guzman.
The post 2 PUP cadets, dinismis appeared first on Remate.