Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Klinika ng doktora, pinasok ng kawatan

$
0
0

TUMATAGINTING na P280,000 halaga ng cash at kagamitan ang natangay sa isang dentista nang looban nang nagpanggap na customer sa kanyang dental clinic sa Sampaloc, Manila, kamakalawa ng hapon.

Dumulog ngayon sa tanggapan ng Manila Police District (MPD)-Station 4 ang biktimang si Dra. Dulce Otamias, 45, dentista, may-asawa ng 406-1 G. Tuazon corner Arenas St., Sampaloc, Manila.

Inilarawan naman ang suspek na katamtaman ang pangangatawan, maitim ang kulay ng balat, tinatayang may taas na 5”8, may highlight ang buhok, nakasuot ng itim na jacket, maong pants at rubber shoes at may motorsiklo.

Sa report ni Supt Samuel Paborito, Hepe ng MPD-Station 4 (Sampaloc), alas-2:30 ng hapon kahapon nang naganap ang insidente sa loob ng klinika ng biktima na karugtong ng kanyang bahay sa nasabing lugar.

Bago ito, iniwan ng biktima ang kanyang dalawang anak na si Del Jai at Jesus at nagtungo ito sa parlor.

Ilang sandali lang, pumasok ang suspek sa klinika, nagpanggap na customer saka dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay at tinangay ang tatlong laptop (P105,000); Toshiba at Canon camera (P100,000); Samsung at Galaxy cellphone (P40,000), white gold necklace P20,000; singsing (P10,000) at P5,000 cash.

Wala namang nagawa ang dalawang anak ng biktima dahil sa takot.

Nang nakuha ang kailangan, nagmamadaling lumabas at sumakay ang kawatan sa nag-aabang nitong motorsiklo.

Pagdating ni Otamias ay saka sinabi sa kanya ng kanyang mga anak ang pangyayari.

Patuloy na iniimbestigahan ng MPD-Theft and Robbery section ang insidente.

The post Klinika ng doktora, pinasok ng kawatan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan