KAPWA ginagamot ngayon sa pagamutan ang isang tanod at dating kapitan makaraang magsaksakan sa Caoayan, Ilocos Sur.
Kinilala ang dating kapitan na si Avelino Fenol, 68, habang ang tanod ay si Agripino Martinez, kapwa ng Barangay Anonang Menor.
Sa imbestigasyon, nabatid na nag- amok si Martinez, hawak ang isang kutsilyo at pinagsisigawan si Fenol.
Nang maasar ang dating kapitan ay lumabas ito ng bahay bitbit ang kanyang baril na kalibre .45 at ipinutok sa dating tanod na dumaplis sa kanyang leeg.
Gumanti naman si Martinez kaya nasaksak niya sa leeg at baba ang dating kapitan.
Hanggang naagaw ng kapitan ang patalim at isinaksak naman sa puwet ng dating tanod.
Inaalam na ang sanhi ng away ng dalawa.
The post Tanod, ex-kapitan nagsaksakan sa Ilocos Sur appeared first on Remate.