NAHULOG ang 20-footer na container van mula sa trailer truck na paakyat ng Nichols Interchange sa Pasay City, Linggo.
Pansamantalang isinara sa mga motorista ang lugar dahil inaalis pa ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang nakabalandrang container van at trailer truck.
Ayon sa driver ng trak, galing siya ng pier at patungo sana ng Taguig upang ihatid ang kargang tiles nang nalaglag ang container van.
Napag-alamang sira na ang kinakalawang na bakal kung saan nakapatong ang container van kaya bumigay.
Bukod dito, humiwalay din ang walong gulong sa likurang bahagi ng trak.
Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente.
The post Container van nahulog sa Nichols Interchange sa Pasay appeared first on Remate.