Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

UPDATE: Lady Eagles kampeon sa women’s volleyball

$
0
0

UMABOT sa 21, 314 ang gate attendance na sumaksi sa pagwalis ng Ateneo Lady Eagles sa tatlong sets ang three-time defending champions De La Salle Lady Spikers, 25-23, 26-24, 25-21.

Nilipad ni reigning Most Valuable Player, (MVP) Alyssa Valdez ang huling tatlong puntos para sa Ateneo upang sungkitin ang titulo sa katatapos na 76th UAAP women’s volleyball tournament na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Humataw ng 22 points, 19 attacks, isang block at dalawang service aces ang star player ng Ateneo na si Valdez upang hiranging Finals MVP at biguin ang pinapaborang La Salle.

“Hindi ako makapaniwala na makakarating kami sa Finals kaya masayang masaya kami,” ani Valdez na sinubi rin ang best Server at Best Scorer.

Binaybay muna ng Lady Eagles ang stepladder semifinals bago nakasampa sa Finals.

Dinaanan ng No. 3 seed Lady Eagles ang No. 4 Adamson University Lady Falcons sa stepladder semifinals kung saan ay nanaig ang una sa isang do-or-die-game.

Pagkatapos ay dinagit ng Lady Eagles ang No. 2 ranked at may hawak na twice-to-beat advantage na National University Lady Bulldogs upang harapin ang Lady Spikers na bitbit naman ang incentive na thrice-to-beat advantage.

Nabiyayaan ng La Salle ang insentibo matapos nilang walisin ang lahat ng laro sa 14-game eliminations round.

Matapos ilipad ang unang dalawang sets, inakala ng marami na magiging madali na para sa Lady Eagles ang kunin ang panalo sa third set dahil hawak nila ang 19-10 bentahe.

Subalit lumabas pa rin ang puso ng pagiging kampeon ng Lady Spikers nang panain nila ang 9-2 run para idikit ang iskor sa 21-19.

Pagsampa ng Lady Eagles sa 22 ay bumira ng tatlong attacks si Valdez para selyuhan ang panalo.

Sa set 1 ay nagpakitang gilas na agad si Valdez.

Nagtabla muna ang 4 ang iskor bago tumikada ng tatlong sunod na spikes upang iuna ang Ateneo, 7-4.

Lumaki pa ang lamang ng Ateneo, 15-10 matapos bumira si Amy Ahomiro ng tig isang attack at block, isang service ace kay Jorella De Jesus at isang palo kay Valdez.

Tumawag ng timeout si La Salle coach Ramil De Jesus upang hablutin ng Lady Spikers ang 9-2 run at maagaw ang abante, 19-17.

Hindi naman nagpabaya si Valdez at ang mga kakampi nito kaya nakuha pa rin nila ang unang panalo.

Nalusaw naman ang pitong puntos na abante ng Lady Spikers, 17-10 sa set two dahil naunti-unti silang habulin ng Lady Eagles.

Dalawang puntos na lang ang kailangan ng La Salle, 23-18 para makuha ang set 2 subalit nabigo pa rin sila.

Unang kumapit sa set point ang La Salle, 24-21 subalit napako sila dahilan upang itakas ng Lady Eagles ang set 2.

The post UPDATE: Lady Eagles kampeon sa women’s volleyball appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>