KINUMPIRMANG nahaydak nga ang nawawalang Malaysia Airlines Flight MH370 na may lulang 239 pasahero.
Ito mismo ang ipinahayag ng Malaysian government makaraan ang halos isang linggo magmula nang iulat ang pagkawala ng nasabing eroplano.
“It is conclusive,” ayon sa opisyal na tumangging magpabanggit ng pangalan.
Ayon sa opisyal, kabilang sa mga ebidensiyang kanilang pinagbatayan ay ang sadyang pagpatay sa communication system ng eroplano at ang pag-divert ng ruta.
Lumalabas na isang oras pa lamang matapos mag-take off sa Kuala Lumpur ng Boeing 777 plane ay pinatay na ang transponder nito na nagbibigay ng impormasyon sa radar kaugnay sa lokasyon ng eroplano.
Makaraan naman ang 14 minuto ay nagpadala na ang data reporting system ng mensahe sa satellite na may sadyang nagbago sa direksyong tinatahak ng eroplano patungong kanluran partikular sa direksyon ng Indian Ocean.
Matatandaan na una nang inihayag ng Malaysian military na tanging ang may alam lamang at competent na piloto kung paano umiwas sa mga radar upang hindi ma-detect.
Ang Malaysian Airlines Flight MH370 ay may lulang 239 katao na lumipad noong Sabado ng madaling-araw sa Kuala Lumpur patungong Beijing, China, subalit habang nasa Vietnamese airspace, nawalan ito ng contact at hanggang ngayon ay hindi pa rin mahanap.
The post Malaysia airlines plane nahaydyak appeared first on Remate.