Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Cudia nagpasaklolo na sa Supreme Court

$
0
0

NAGPASAKLOLO na sa Korte Suprema si First Class Cadet Aldrin Jeff Cudia kaugnay sa ipinataw sa kanya na dismissal sa Philippine Military Academy dahil sa pagsisinungaling.

Hiling ni Cudia na maisama siya sa mga magtatapos na kadete sa Philippine Military Academy (PMA).

Sa petition for certiorari, prohibition and mandamus na inihain ni Cudia, hiniling niya na magpalabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order o status quo ante order laban sa ipinataw na dismissal sa kanya ng PMA honors committee at igawad sa kanya ang kaukulang pagkilala na nararapat para sa kanya at maisama siya sa listahan ng graduating class ng Siklab Diwa PMA Class of 2014 kung saan ang lahat ng mga material requirement para sa kanyang pagtatapos ay nakumpleto na.

Nais din niyang iutos ng Korte Suprema na siya ay mai-commission bilang bagong ensign ng Philippine Navy gayundin ang pagpapatigil sa pag-ostracize sa kanya ng mga kadete ng PMA at ang pagsusumite sa PMA Cadet’s Review and Appeals Board ng lahat ng mga rekord ng ginawang proceedings sa kanyang kaso.

Si Cudia ay pinatawan ng dismissal ng PMA Honors Committee dahil umano sa pagsisinungaling nang siya ay mahuli ng dalawang minuto sa klase.

The post Cudia nagpasaklolo na sa Supreme Court appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan