LIGTAS na sa tiyak na kapahamakan ang dalagitang anak ng TV host/comedian na si Jose Manalo matapos ang tangkang pagpapakamatay sa condo unit nito sa San Juan City.
Ayon sa ulat, lumaklak ang dalagita ng iba’t ibang uri ng gamot kagabi, Marso 12 dahil sa depresyon.
Kinumpirma rin ito ng abogado ni Manalo na si Atty. Dennis Pangan.
Tumanggi munang magbigay ng komento si Manalo at manager nito hinggil sa insidente.
Sa nakitang suicide note ng 17-anyos na biktima, nakasaad dito ang sama ng loob sa ama dahil sa hindi pagsuporta sa kanilang pamilya.
Sinasabing kasalukuyang nasa Medical City Hospital naka-confine ang naturang anak ni Manalo.
Taong 2012 nang maharap si Manalo sa problema sa pamilya matapos siyang ireklamo ng misis nitong si Annalyn sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act sa Office of the Prosecutor sa San Juan City.
Nag-ugat ang kaso sa umano’y pangangaliwa ni Manalo at pag-abandona sa kanyang mag-iina.
The post UPDATE: Anak ni Jose Manalo, stable na sa suicide attempt appeared first on Remate.