SAPAK sa mukha ang inabot ng isang photojournalist nang pagbintangan ng isang barangay kagawad na siya ang nasa likod ng pagpapahuli sa mga ilegal nitong gawain sa Paco, Maynila.
Ayon sa reklamo ni Crismon Heramis, 33, photojournalist ng Remate Online kay MPD-Pandacan Police Station 10 P/Supt. Alfredo Opriasa, alas-10:30 ng gabi nang maganap ang insidente malapit sa bahay ni Heramis.
Nauna rito, nakatambay si Heramis sa tabi ng isang computer shop nang dumating ang lasing na lasing na kagawad na si Wilfredo Cepe ng Barangay 829 Zone 90 sakop ng Mendiola Ext. Otis, Paco.
Nagsisigaw aniya si Cepe at minura si Heramis na hindi naman nito pinansin.
Pero lalong nagalit ang suspek nang hindi siya pinansin ni Heramis hanggang sa sapakin siya ni Cepe sa mukha.
Naawat din naman agad nang pumagitna ang anak ng kagawad.
The post Remate lensman sinapak ng kagawad appeared first on Remate.